Advertisers

Advertisers

Suerte naman! Isang bettor 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng isang buwan

0 19

Advertisers

IBINUKING ni Senador Raffy Tulfo na 20 beses na nanalo sa lotto ang pangalan ng isang bettor sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni Tulfo na ito ay base sa listahang isinumite ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“‘Yung PCSO nagbigay ho sa akin ng listahan… Ito nga po ang sabi ko medyo nakakataas ng kilay, meron doon na isang tao nanalo ng 20 times in one month. Meron dun 10 times in one month,” wika ni Tulfo sa panayam ng Dobol B TV.



“Siguro baka magkapangalan pero still pare-pareho ‘yung premyo ang pinanalunan… Paulit-ulit in one month… Lalong tumambak ang mga questions,” sabi pa ng senador.

Bukod sa listahan ng mga nanalo, isinumite rin ng PCSO sa Senate panel ang mga dokumento sa lotto games kasama ang tax records ng mga nanalo ng jackpot.

“Bakit tuwing draw, may nananalo na? Ngayon, walang mintis. Samantalang nu’ng panahon na wala pa tong e-lotto, ang tagal bago panalunan. Inaabot ng isang buwan, dalawang buwan,” ipinagtataka ni Tulfo.

Inihayag naman ni PCSO General Manager Mel Robles na sisilipin nila ang isiniwalat ni Tulfo at maaari rin nilang imbestigahan ang naturang usapin.

“Puwede imbestigahan ‘yan. ‘Di naman mahirap imbestigahan ‘yan e,” hirit ni Robles. (Mylene Alfonso)