Advertisers

Advertisers

2 dalawa pang resorts sa Chocolate Hills inginuso

0 4

Advertisers

IBINUKING ng manager ng The Captain’s Peak Garden and Resort na bukod sa kanila, may dalawa pang resorts na naitayo at nag-ooperate sa vicinity ng Chocolate Hills sa Bohol.



Ito ay matapos mag-viral at kuyugin ng pambabatikos mula sa netizens, celebrities, at maging sa mga politiko at iba’t ibang awtoridad ang nabanggit na resort, na kinukuwestyon kung paano ito naipatayo.

Tila “nawindang” ang dating mamamahayag at kasalukuyang House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kinatawan ng ACT-CIS party list, na bukod sa Captain’s Peak ay may dalawa pa palang resorts na matagal nang nakatindig at nag-o-operate sa isang protected area at deklaradong UNESCO World Heritage Site.