Advertisers

Advertisers

2 pumatay sa radio brodkaster, timbog

0 19

Advertisers

ARESTADO na ang dalawa sa tatlong pangunahing suspek sa pagpaslang kay Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon noong Nobyembre 5, 2023, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).



Ayon kay PTFoMS Executive Director, Usec. Paul M. Gutierrez, mula kay Misamis Occidental Police director Colonel Dwight Monato, nahuli ang dalawa sa police operation sa Barangay Poblacion, Sapang Dalaga ng naturang lalawigan nitong Biyernes, Marso 15.

Ang mga badakip ay sina Boboy Sagaray Bongcawel at Renante Saja Bongcawel, mag-pinsan.

Nadakip ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder at theft na ipinalabas ni Calamba Executive Judge Michael Lotao Ajoc ng Regional Trial Court Branch 36, 10th Judicial Region.

“Katuwang ang ating mga partner agencies katulad ng PNP, patunay lang ito na hindi nagpapabaya ang PTFoMS sa mandato nito sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 1, bilang mekanismo ng gobyerno sa pagtugon sa anumang insidente ng karahasan at paglabag sa mga karapatan ng ating mga mamamahayag,” saad Gutierrez.

Sinabi rin ni Gutierrez, may regular na komunikasyon ang PTFoMS sa tanggapan ni Monato hinggil sa imbestigasyon na agarang binuo ng PNP at PtFoMS upang tutukan ang kaso kungsaan si Monato ang itinalagang ground commander.

Kumpiyansa si Gutierrez na madadakip din ang gunman na si Julito Mangumpit, alyas ‘Ricky.’

Nakabatay ang resolusyon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking mabigyan ng hustisya ang pamilya ni Jumalon.