Advertisers

Advertisers

Akusado sa Lapid slay na si Zulueta patay sa ‘atake sa puso’

0 12

Advertisers

PUMANAW na sa edad na 42 anyos ang isa sa akusado sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid na si Ricardo Zulueta, ang deputy security officer ng Bureau of Corrections (BuCor).

Iniulat ng pulisya na idineklarang patay sa ‘heart failure’ si Zulueta 11:00 ng gabi ng Marso 15, nang isugod ng kapatid na si Ronald sa Bataan Peninsula Medical Center sa Dinalupihan, Bataan.

Kapwa akusado si Zulueta at dating BuCor chief Gerald Bantag, na sinampahan ng kasong 2 counts murder kaugnay sa pagkamatay ni Lapid at ng diumano’y middleman na si Jun Villamor.



Kinasuhan din ng Department of Justice (DoJ) ang self-confessed gunman na sina Joel Escorial, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang Orlando bilang mga principal sa pamamagitan ng direktang partisipasyon.

Kinasuhan din ang ilang person deprived of liberty (PDLs), kabilang ang mga Mayor na sina Denver, Alvin Labra at Aldrin Galicia na umano’y nag-orkestra sa pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng kanyang gang members at mga kontak nito sa labas ng New Bilibid Prison.

Napatay si Lapid sa pamamamril Oktubre 3, 2022, habang si Villamor ay namatay sa loob ng NBP sa pamamagitan ng pagpasok ng plastik sa ulo nito para ‘di makahinga Oktobre 18, 2022.

Samantala, nais ng kapatid ng Lapid na si Roy Mabasa, reporter ng Manila Bulletin, na isailalim sa autopsy ang bankay ni Zulueta para matiyak kung siya nga ito at kung talaga ang ikinamatay.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">