Advertisers

Advertisers

Mag-asawang senior binaril, pinugutan pa ng ulo

0 9

Advertisers

Kapwa agnas na bumulaga sa mga kaanak ang mga katawan ng mag-asawang senior citizen sa Brgy. Constancia, San Lorenzo, Guimaras, noong Biyernes

Kinilala ang mga biktima na sina Nestor Egaran at Remedios Egaran, parehong 64-anyos.

Sa imbestigasyon San Lorenzo PNP, natagpuan ng kapatid ni Nestor na nakahandusay sa lupa ang mga biktima at pugot ang mga ulo nito, nang pumunta ito sa bahay ng mag-asawa..



Napag-alaman na ang mag-asawa lang ang nakatira sa kanilang bahay.

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng shotgun na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Isinailalim ng mga awtoridad sa pagsusuri ang mga labi para malaman ang ikinasawi ng mga ito.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng San Lorenzo PNP sa motibo sa krimen at pagtukoy sa mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">