Advertisers
ARESTADO ang isang Rapper nang barilin ang isang lalaki sa Agua Bar sa Cebu city, Linggo ng umaga.
Kinilala ang salarin na si Jed Andrew Salera, mas kilala sa tawag na “Range 999”.
Sa ulat, 8:00 ng umaga ng Marso 17, 2024 naganap ang pamamaril sa compound ng Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City.
Ayon sa report, sakay ang biktima ng SUV nang barilin ni Salera.
Mabilis na tumakas si Salera matapos ang krimen.
Sa ginawang hot pursuit ng mga pulis, nahuli ang ssalarin.
Kasalukuyang inihahanda ang kaso laban kay Salera.