Advertisers

Advertisers

UTOL ‘KILLER’ NG MAG-INANG BALIKBAYAN!

0 24

Advertisers

UMAMIN na ang kapatid ng isang balikbayan at anak nito sa pagpatay sa dalawa sa Tayabas, Quezon Province.

Ayon sa Tayabas Police, nasa kanilang kustodiya na ang kapatid ng panganay na biktima na isang OFW at residente ng Japan.

Sinabi ng salarin sa pulisya na siya at tatlo pang kasama, kabilang ang kanyang asawa, ang pumatay sa mga biktima. Hinampas anila ng tubo ang ulo ng nakatatandang kapatid (Lorry Litada), samantalang sinaksak ang anak (Mai Motegi) na ikinasawi nito.

Kasalukuyang nasa ospital ang babaeng suspek nang tangkain nitong magpakamatay nang malaman na natagpuan na ang bangkay ng mga biktima.

Matatandaan na halos isang buwan nang nawawala ang mag-ina bago natuklasan ang kanilang mga bangkay sa likod-bahay ng isang miyembro ng pamilya.

Ang ina at ang 26-anyos na babaeng anak ay kararating lang mula sa Japan ilang sandali bago sila naiulat na nawawala Pebrero 21, 2024. Mga bisita sila ng mga suspek bago sila nawala.

Tinutukoy ng inisyal na imbestigasyon ang pera bilang posibleng motibo sa likod ng krimen.

Unang nakitang lumulutang sa ilog sa bayan ang mga bagahe ng mga biktima.

Samantala, nakalalaya parin ang tatlo pang suspek at kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.