Advertisers

Advertisers

‘Vlogger’, kinasuhan ng P50b syndiacted estafa

0 7

Advertisers

Nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 30 mga biktima ng syndicated estafa laban sa vlogger at negosyanteng si Yexel Sebastian sa umano’y junket investment scam.

Nahaharap din si Sebastian sa reklamo sa paglabag sa securities and regulation code.

Sinabi ni Atty. Palmer Malari, hepe ng NBI Faud and Financil Crimes Division na ipnapakita sa kompyutasyon na ang halagang sangkot sa scam, umaabo sa P50 bilyon.



Sinasabi ng isa sa biktima na nawalan ito ng P700,000 sa umano’y scam nang pangakuan siya na tutubo ang kanyang pera ng P35,000 at maibabalik ng kanyang puhunan matapos ang isang taon.

Kabilang sa mga biktima ang mga OFW, empleyado, pulitiko, celebrity at negoyante.

Ayon pa sa NBI, pinapirma ng respondent ang mga biktima ng kasunduan para lumalabas na pautang at hindi investment ag kanilang ibinigay. (Jocelyn Domenden)