Advertisers

Advertisers

4 drug pusher, huli sa drug ops ng QCPD

0 36

Advertisers

Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na drug pusher sa isinagawang magkahiwalay na bust operation bilang tugon sa kampanya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PLt. Col. Reynaldo Vitto, Station Commander ng PS 4, kinilala ang mga nadakip na sina Chico Sarmiento, 35-anyos; at Janice Cruz, 39-anyos, kapwa residente ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City, naaresto sa Belen St., at Masaya St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat kay QCPD Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan, naaresto ang apat sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation nitong Marso 17, 2024 ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4) at Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13). Nakumpiska sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P224,400.



Nakuha kina Sarmiento at Cruz ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, isang black coin purse, isang cellular phone, at ang buy-bust money.

Samantala, sa operasyon ng PS 13, dakong 7:30 ng gabi nitong Marso 16, 2024 nang madakip sa Banaba St., Brgy. Payatas A, Quezon City sina Jess Parreño, 32-anyos, at residente ng Brgy. Payatas A, Quezon City; at Ashley Carpio, 33-anyos, at residente ng Brgy. 171 Caloocan City.



Nakumpiska kina Parreno at Carpio ang 18 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P122,400.00 at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang apat na hinihinalang drug pusher ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">