Advertisers

Advertisers

‘Di mananahimik sa isyu ng flood control anomaly: Chavit nagpiyansa sa cyberlibel

0 2

Advertisers

IGINIIT ng negosyante at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis ‘Chavit’ Singson na ang kasong cyber libel laban sa kanya ay bahagi ng pagtatangkang siraan at takutin siya dahil sa kanyang panawagan na imbestigahan ang anomalya sa mga flood control project.
Inaresto Huwebes ng hapon, Hunyo 11, si Singson kaugnay ng kasong cyber libel.
Isinagawa ang pag-aresto kay Singson ng mga operatiba ng Eastwood Police Station (PS-12) sa kanyang bahay sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Kaugnay ito ng warrant of arrest na inisyu ni Vigan City Regional Trial Court Branch 21.
Naglagak ng P60,000 piyansa si Singson para sa pansamantala nitong kalayaan.
Hindi pa batid ang pinag-ugatan ng kinakaharap na kaso ng dating gobernador.
Ngunit nito lamang Mayo, sinabi ni Singson na 5,500 flood control projects na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos na natapos ay mga “ghost project”.
Tinutukoy ni Singson ang pahayag ng Pangulo sa State of the Nation Address noong 2024, kung saan sinabi na humigit-kumulang 5,500 flood control projects ang natapos na sa buong bansa, kasama ang iba pang katulad na mga proyektong imprastraktura, bilang bahagi ng paghahanda sa malalakas na pag-ulan kaugnay ng La Niña.
Gayunman, itinanggi ni Singson na inaresto siya sa kanyang tahanan, sinabing kusa siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magpiyansa.
Kinuwestiyon din niya ang umano’y mga hindi pangkaraniwang pangyayari sa kaso, kabilang ang pagtalaga ng isang hukom na wala sa kanyang lalawigan at ang bilis ng pag-usad ng proseso.
Sinasabing ang kapatid na mayor ni Chavit na si Bonito ang nagsampa ng cyber libel laban sa 84-anyos na dating gobernador.(Boy Celario)