Advertisers

Advertisers

4 tripulante patay sa ‘gas poisoning’

0 1

Advertisers

NASAWI ang apat na tripulante ng isang bangkang pangisda nang malason sa nakalalasong gas habang naglalagay ng nahuling isda sa imbakan ng bangka sa Barangay Cawit, Zamboanga City, madaling-araw ng Huwebes, Hunyo 11.
Tatlo sa mga biktima ang nakilalang sina Ranillo Sanugal Jr., John Edgar Dotillos, at Arnold Bongcawel.
Sa ulat, isa-isang nawalan ng malay ang apat na tripulante habang nagtatrabaho sa saradong imbakan o hull ng bangka.
Natagpuan ang mga biktima ng kanilang mga kasamahan na magkakatabing nakahandusay at walang malay sa loob ng imbakan ng bangka kungsaan inilalagay ang mga sardinas na nahuhuli sa karagatang sakop ng Sulu, Tawi-Tawi, at Basilan bago dalhin sa isang pagawaan ng de-latang sardinas sa Barangay Cawit.
Agad isinugod sa ospital ang mga biktima nguni’t hindi na nagawang maibalik ng mga doktor ang kanilang mga buhay.
Ayon sa mga lokal na opisyal at sa mga kinatawan ng Zamboanga City Police Office, posibleng nalason ang mga biktima ng mapanganib na gas na naipon sa saradong bahagi ng imbakan ng bangka.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga lokal na awtoridad, pulisya, at mga opisyal ng kalusugan ang sanhi ng trahedya.