Advertisers
INARESTO ang limamput-isang katao sa kilos-protesta nitong Lunes ng uma-ga, Hulyo 27, bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos.
Kinumpirma ni Philippine National Police chief General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang pagkakaaresto sa anim na raliyesta, nguni’t hindi muna pinangalanan ang mga ito.
Ayon naman kay Quezon City Police District Director, Brigadier General Randy Glenn Silvio, inaresto ang mga nasabing indibidwal dahil sa vandalism sa isang lugar sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Naganap ito sa kasagsagan ng girian ng mga protester at anti-riot police sa pagtatangka ng mga raliyesta makalapit sa Batasang Pambansa Complex kungsaan gaganapin ang SONA ni PBBM.
Samantala, sinabi ng grupong BAYAN na nasa 45 ang inaresto, kinarga sa truck ng BJMP at dinala sa iba’t ibang police stations.