Advertisers
SNAHAHARAP sa mga administratibong reklamo sa National Police Commission (Napolcom) Central Office ang isang police colonel na dating provincial director sa Calabarzon region sa umano’y pambubugbog at sekswal na pang-aabuso nito sa karelasyong babaeng kapwa pulis.
Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng police official dahil sa naka-binbin na presidential clearance buhat sa Palasyo ng Malacañang dahil sa kanyang ranggo bilang isang colonel at nasa ilalim din ito ng presidential appointee officers.
Isinampa ang mga kasong administratibo para sa grave misconduct, abuse of authority at conduct unbecoming of a police officer ng policewoman, na iniulat na matagal nang lover ng akusado sa tanggapan ng Napolcom-Central sa Quezon City.
Sa reklamo, ang lady cop binubugbog, sekswal na ina-abuso at sapilitang pinagagawa umano ng sexual performance, at sa video calling nila pinapa-hubo’t hubad siya at kinukunan ng larawan ng nasabing Colonel.
Itinago ang pagkakakilanlan ng nagrereklamo dahil sa sensitivity ng kaso sa ilalim ng Anti-violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC).
Ang akusadong opisyal ay dating provincial director sa Calabarzon, naging hepe ng pulisya sa Rizal province, at ngayo’y namumuno ng isa sa mga unit o departamento sa Calabarzon police headquarters.
Ayon sa imbestigador, kapag nalilipat o nare-reassign ang colonel sa ibang police units, dinadala niya ang lover na policewoman bilang personal staff hanggang sa lumala ang kanilang relasyon dahil sa umano’y pang-aabuso.