Advertisers

Advertisers

Titser niratrat ng bala ng dyowang sundalo

0 3

Advertisers

BUMULAGTA ang isang guro nang pagbabarilin ng kanyang nobyong sundalo sa Del Gallego, Camarines Sur.
Batay sa mga saksi, kumakain ang titser kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang plaza nang lapitan at kaladkarin ito ng sundalo.
Isang barangay tanod na nagtangkang umawat sa dalawa ang binaril din ng sundalo.
Ilang putok pa ng baril ang narinig makalipas ang ilang sandali at natagpuan ang guro na nakahandusay sa lupa.
Matapos ang insidente, binaril din ng sundalo ang kanyang sarili ngunit nakaligtas ito. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital at mahigpit na binabantayan ng mga pulis.
Nakaligtas din ang barangay tanod sa pamamaril, ayon sa ulat.