Advertisers

Advertisers

Exempted sa one-strike policy ni Commissioner?

0 238

Advertisers

NASA unang taon na ngayon sa puwesto si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno kungsaan marami ang sadyang bumilib sa kanya dahil nagagawa parin niyang makakolekta ng sobra, higit P11.4 bilyon ‘collection surplus’ sa unang anim na buwan ngayong taon. Wow!!!
Kasehodang tuloy ang giyera sa Middle East sa pagitan ng Iran, Israel at Estados Unidos kaya matumal ang negosyo sa buong mundo, nalalampasan parin ng Customs ang ‘target collection’ nito. Galing mo, Comm. Nepo!
Malaki kasi ang takot at respeto ng mga pasaway na opisyal at empleyado kay Comm. Nepo. Siya kasi ‘yung ginagawa ang sinasabi. Ilan na nga ba ang wala na sa puwesto ngayon dahil sinuway ang kanyang utos na ‘no-take-policy?’
At dahil matino ang liderato, asahan na sadyang tataas pa ang koleksyon ng Customs. Ang pera kasi na para sa “bulsa” pumapasok na ngayon sa “kaban” ng gobyerno. Mismo!
‘”On his second year,” sinabi pa ni Comm. Nepo na “no second chance” o one strike policy na ang kanyang kampanya laban sa mga korap sa loob ng ahensiya. Patay kang bata kasila dyan!
Kaya lang, meron parin na mga “TH”—tamang hinala— sa pagbabanta ni Commissioner.
“Totohanin” daw kaya niya kung ang kinakaladkad na pangalan bilang “pinsan” at “kamag-anak” ay isang tao na sadyang “malapit” sa kanya? Hmmm…
Ilang lingggo na kasi ang nagdaan, naibulong sa atin na isang ‘Manila Customs Collector’ ang nagkaroon ng transaksyon kungsaan “10M” umano ang naging “hatagan!” Tama ba, alias “Monching?”
Ano kaya ang masasabi rito ni ‘Atty. Lady D?’ Araguy!!!
Ilang linggo na ang nagdaan pero ang sablay na opisyal, “pakuya-kuyakoy” parin umano sa puwesto, sabi ng mga miron. Tsk tsk tsk…
Dahil daw ba dito kay “Boss C” na dikit kay Comm. Nepo at malapit na “pinsan” naman ni Mr. Port Collector kaya siya “exempted” sa One-Strike Policy ni Commissioner?
“Sinambot” kaya siya ng kanyang “pinsan” sa Customs Chief dahil iba siyempre kapag “iisang pisa” ang lahi ninyo, korek?
At siyempre ayaw nating maniwala, sabi nga sa Batangas, na “naanggihan” si Boss C ‘nung “sampung manok.”
Peksman, ayaw nating maniwala, hehehe!
***
Papansin talaga itong mag-utol na Senador, Alan Peter at Pia Cayetano, pati ang “rebeldeng” ate ni PBBM na si Sen. Imee Marcos.
Sa pagbabalik ng session sa Senado nitong Lunes, kasabay ng 5th SONA ni PBBM, nagsuot ng pangluksa ang tatlong DDS senators.
Ito’y pagpapakita raw nila ng disgusto sa administrasyong Marcos, Jr. Ganun?
Hindi sila dumalo sa SONA ni PBBM. Eh ano naman!!!