Advertisers

Advertisers

Philly ang pinili ni LBJ!

0 3

Advertisers

Sa Philadelphia pumaroon si LeBron.

Di inalintana ang napakababang veteran minimum pay niya na $3.9M kada taon na sahod.

Di suliranin ang malayo sa kanyang pamilya sa Los Angeles.

Ang mahalaga ay malakas ang team at kaya niyang maging mahalagang bahagi nito.

Sa madali’t salita ay masidhi pa rin ang pagnanasa niyang magkaroon ng ikalimang singsing.

Ang swerte ng 76ers na nakuha nila si James sa bargain deal. Super baba na ng sweldo at wala pang kapalit na draft pick.

Kompletos recados nga naman ang 76ers at mahusay din ang coach.

May matinding sentro na si Joel Embid, magaling na point guard na si Tyrese Maxey, bigating ka-forward niyang si Jaylen Brown. Apat na all stars yan. Dagdag mo pa ang maasahang si VJ Edgecombi para sa kanilang super first five.

Pamalit nila ay sina Anfarnee Simons Kentavious Caldwell Pope, Jabari Walker at Dean Wade. Hindi ganoon kalalim pero pasado na.

Ang HC na si Nick Nurse ay beterano at nabigyan niya ng titulo ang Toronto Raptors taong 2019.

Siyempre may posibilidad ding makipag-trade ang Lakers sa 76ers para masungkit si Bronny.

Maaari din bumili ng bagong bahay sa Philadelphia para malapit sa kanyang mga mahal sa buhay.

***

Pasok sa Magic 12 si Manny Pacquiao sa latest numbers ng Pulse Asia para sa mga senador sa halalan sa 2028.

Tabla sila ni Nancy Binay sa pang-anim at pampitong puwesto.

Noong 2025 ay bigo siyang makabalik sa Senado. Panglabingwalo lang siya at nadaig pa ng isang Colonel Rosita.

Admin pa siya kamo at mismong sa partido ni BBM na Partido Federal ng Pilipinas.Lalaban pa ba ang kampeong anak ni Aling Dionesia?

Ayon kay Tata Selo kung hanggang sa isang taon ay malakas siya sa survey ay tatakbo yan.

Pero dapat samahan niyang grupo ay yung hindi kurap.

***

Binabati natin ang mga nagsipagwagi sa Angat Bayanihan Run noong ika-17 ng Hulyo sa Makati.

10KM – Jimboy Bernal, Male; Danica Shasha Tan, Female 5KM – Nelson Jerrie Rongavilla, Male; Vivian Azarcon, Female 3KM – Harold Herrera, Male; Andy Lubitos, Female.

Mabuhay kayo pati ang lahat ng lumahok sa patakbo ng Angat Buhay na itinatag ni Leni Robredo.

Susunod ay sa Naga sa Cam Sur sa ika- 16 ng Agosto.