Advertisers

Advertisers

Bomba narekober malapit sa Senado

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng Pasay City police na isang hinihinalang improvised explosive device ang nadiskubre ma-lapit sa Senado umaga ng Lunes, Hulyo 27, sa gitna ng pagbubukas ng ikalawang regular session ng 20th Congress.
Ang pagkakadiskubre sa naturang IED ay nangyari ilang oras bago ang nakatakdang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Ayon sa report mula sa pulisya, isang towing service employee ang nakakita ng IED sa center island ng Diokno Boulevard pasado 8:00 ng umaga.
Ligtas namang nanutralisa ng bomb disposal team ng Pasay City Police Station ang IED.
Kabilang sa narekober sa lugar ang isang blasting cap, 9V battery, orasan at isang container kasama ang suspected explosive material.
Kasalukuyang iniimbestigan na ang naturang insidente.(Mark Obleada)