Advertisers

Advertisers

Sabi pa ni Cong. Joe Alvarez

0 5

Advertisers

KAPAG nagsalita si Congressman Jose Alvarez, ang bilyonaryong negosyanteng politiko mula sa Palawan, talagang makikinig ka.

Oo! Mababasa mo sa tuno ng kanyang pananalita ang walang lokohang sinasabi, hindi mo kakitaan ng pagsisinungaling o paglilihis sa isyu. Deretsahan. Prangka. Wala siyang pakialam kung masasaktan ka,basta siya ay nagsasabi ng totoo. Mararamdaman mo ito lalo kung ikaw ay mapagmatyag.

Kung napanood ninyo nang magsalita siya sa plenaryo ng Kamara nang mapatalsik si Congressman Kiko Barzaga ng Cavite. Diretsahang sinabi ni Alvarez: “Pusang ina mo karin, Kiko Barzaga.”

Ito’y nang mag-post si Barzaga sa kanyang FB account ng “Pusang ina n’yong lahat (congressman)”, matapos siyang suspendehin ng ikalawang beses ng ethics committee dahil sa kanyang mga kabastusan at pag-atake sa mga kapwa mambabatas.

Ang isa pang nakakabilib kay Cong. Alvarez ay nang sumugod siya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na noo’y inuupaan nina Senador Alan Peter Cayetano at Rodante Marcoleta.

Hinanap niya ang 18 ex-bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co na nagdala kuno ng male-maletang kickback money sa mga mambabatas at ilang opisyal mula sa dating kinatawan ng Ako Bicol partylist at founder/president ng kontrobersiyal na Sunwest Construction.

Hindi niya inabutan ang naturang “maleta boys”. Kaya ang kinausap nalang ni Alvarez ay sina Cayetano at Marcoleta.

Prinangka ni Alvarez sina Cayetano at Marcoleta na wala talaga siyang natanggap na mga maletang pera. Bakit naman daw siya dedeliberan ng kuwarta ni Zaldy Co eh wala itong utang sa kanya at wala rin siyang utang dito, wala rin silang transaksyon. Kaya gusto niya malaman kung talagang nagdeliber ng pera sa kanya, kung kanino ibinibay kasi hinahanap daw ng misis niya. Hehehe…

Walang maisagot sina Cayetano at Marcoleta. Natulala ang mga ito. Tumayo nalang ang dalawa, tapos na raw ang pagdinig. Ngek!

Sinabi ni Alvarez na nangyari lamang na mapasama ang kanyang pangalan sa maleta nang tanggihan niya si Mike Defensor na iendorso ang impeachment laban kay Pangulo Bongbong Marcos. Boom!

Sa panayam sa kanya ng Bilyonaryo Channel, sinabi ni Alvarez na hindi talaga kasama si Rep. Leila de Lima sa mga dinalhan kuno ng male-maletang pera.

Nasa kulungan kasi si De Lima nang mangyari ang mga taon na nagdala kuno ng male-maletang pera ang mga “utusan” ni Zady Co sa mga mambabatas at ilang opisyal.

“Ang sa akin, ang sinabi ng mga ex-Marines ay nagdala sila ng male-maletang pera sa bahay ko lang sa Forbes, wala silang maituro kung saan sa Forbes. Pero dun sa iba na dinalhan raw nila ng pera ay kumpleto ang address, may picture pa.”, seryosong kuwento ni Alvarez.

Sinabi ni Alvarez na kilala niya ang ibang ex-Marines. Nakasama raw niya ito noon sa kampanya. Walang wala raw talaga ang mga ito lalo yung mga dishonorable discharge. Kawawa raw ang mga ito, naghihirap. Ginamit lang daw ang mga ito, at malapit na aniyang malaman ang mastermind ng lahat ng ito.

Sa tingin ninyo, mga pare’t mare, sino ang nasa likod ng paggamit sa ex-bodyguards ni Zaldy Co para magsinungaling sa isyu ng maleta. Kung sino ang nasa isip ninyo, siya rin ang nasa isip ko. malunod sana siya sa swmming pool. Hehe…