Advertisers
NAGING mahigpit ang seguridad sa Mendiola kasabay ng pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nitong Hunyo 12.
Ito ay matapos sabayan ng kaliwat-kanang kilos protesta ng ilang grupo na nais magpahayag ng kanilang saloobin.
Sa tapat ng Isettan Recto, Manila, maagang nagsagawa ng kilos protesta ang Kilusang Pambansang Demokrasya, na ang panawagan ay para lumaya sa krisis at panganib ng digmaan.
Panawagan din na ibasura ang Ammunition Hub sa Subic at Ipaglaban ang soberenya, ipawalang bisa ang RA 12305 o PhilATOW law o ang pagtatayo ng banyagang nuckear infrastructure sa bansa , palayasin ang lahat ng U.S rotational ground forces at isuulong ang ASEAN centrality o pagtatag ng ASEAN Marine Peace Park .
Tumulak din sa kahabaan ng Recto patungong Mendiola ang grupo ng Sulu for PBBM Forever o mga pro-BBM ngunit sa bahagi ng tapat ng University of the East ay hindi na sila pinayagan pang makalusot sa bukana ng Mendiola dahil sa higpit ng seguridad ng pulisya.
Bukod dito, may mga barikada nang wire at container van sa mgkabilang kalsada upang masiguro na walang sinumang makakalusot at makapagsagawa ng rally sa bahagi mismo ng Mendiola .
Samantala, nagsama-sama ang grupo ng BAYAN, Anakbayan, Gabriela, Alliance of Health Workers , KADAMAY at iba pa para magkasa ng kilos protesta sa Kalaw Avenue.
Walang nagawa ang mga pulis nang itumba ng mga ralyista ang ilang barikada na vibewire sa bahagi ng kanto ng Maria Orosa St.para subukang mapasok at tuluyang makadiretso sa US Embassy..
Pero hindi nagpatinag ang mga pulis na nakadeploy sa lugar at napanatili ang kanilang hanay .
Namataan sa rally ang ilang mambabatas kabilang ang kinatawan ng Kabataan Party-list at si Teddy Casiño .
Sigaw ng mga ralyista: paglaban ang tunay na Kalayaan, ibagsak ang imperyalismo, tunay na reporma, sahod,trabaho, at karapatan.(Jocelyn Domenden)