Advertisers
NAKUHANAN ang isang 12-anyos na Grade 7 student ng drug paraphernalia at isang kutsilyo habang nasa loob ng paaralan sa Talisay City, Hunyo 8, 2026, unang araw ng klase.
Ayon sa ulat, napansin ng guro ang mag-aaral at ini-report ito sa school guard. Nang siyasatin, nakuha sa bata ang drug paraphernalia at kutsilyo.
Dinala ang estudyante sa barangay hall, kungsaan sinabi niyang iniingatan lamang niya ang mga gamit para sa kanyang pinsan.
Nabatid din na pumanaw na ang ama ng bata habang nagtatrabaho ang kanyang ina sa Maynila.
Dinala ang mag-aaral sa isang reformation center na pinangangasiwaan ng pamahalaang lungsod ng Talisay para sa kaukulang intervention at suporta.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.