Advertisers

Advertisers

Sen. Lacson isinumite na sa Ombudsman ang ebidensiyang nakalap sa infra projects anomaly sa Taguig

0 11

Advertisers

NAISUMITE na ni Senador Ping Lacson sa Office of the Ombudsman ang mga nakalap nitong dokumento at mga testimonyang ebidensya na magiging batayan sa posibleng motu proprio investigation hinggil sa maanomalyang mga infrastructure projects sa Taguig City.

Idiniin ni Lacson na kabilang sa mga posibleng kasong tinitingnan dito ay plunder, malversation at mga paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Kabilang sa mga umano’y iregularidad ang pagpapalabas sa isang iligal na reclamation project bilang slope protection structures, mga ghost project, dobleng paglalaan ng pondo, at paggamit ng mga lumang litrato ng mga tapos nang kontrata upang maipaningil sa mga bagong proyekto na kontrolado ng isang tao mula 2019.



Ayon sa senador, tinatayang aabot na sa P14.4 bilyon at tumataas pa ang halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig mula 2020 hanggang 2025.

Para kay Lacson, mas mabigat ang natuklasan nila sa Taguig kumpara sa umano’y anomalya sa mga flood control projects sa Bulacan.



Umaasa si Lacson na makakatulong ang mga nakalap na impormasyon ng kanyang mga staff para mapabilis ang imbestigasyon ng Ombudsman at tiniyak na hindi sila magiging relax at marami pa silang kakalkalin na mga ebidensya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">