Advertisers
NAMATAAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 26 na mga Chinese Navy at Coast Guard vessel sa West Philippine Sea mula July 21 hanggang July 26.
Ayon kay AFP spokesperson for the WPS, Navy reservist Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga nasabing barko ng Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN) at CCG vessel ay namataan sa Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, Escoda Shoal, at Pag-asa Islands.
Mula sa 26 mga PLAN at CCG, 7 CCG vessels at 2 PLAN ang namataan sa Ayungin Shoal; 13 CCG ships sa Bajo de Masinloc; 1 CCG vessel sa Escoda Shoal; at 1 CCG at 2 PLAN malapit sa Pag-asa Islands.
Sinabi ni Trinidad na ang nasabing bilang ng mga barko ng China ay mataas kumpara sa 24 mga barko ng China na namataan mula sa July 7-13 monitoring period.
Sa kabila nito, sinabi ni Trinidad na nanatiling nagmamatyag at mananatiling ang presensiya ng mga barko ng Philippine Navy sa kaganapan sa WPS.
Nananatili rin ang Phi-lippine Navy na maprotektahan ang national sovereignty, sovereign rights ng bansa at pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa loob ng EZZ ng bansa. (Mark Obleada)