Mayor Honey binati at pinuri ang MPO sa pagkakapili bilang Most Outstanding City Prosecutors’ Office sa MM
Advertisers
BINATI at pinapurihan ni MANILA Mayor Honey Lacuna Manila Prosecutors’ Office (MPO) matapos na ito ay parangalan bilang Most Outstanding City Prosecutor’s Office sa Metro Manila.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan.Napapatupad ng Manila Prosecutor’s Office ang tungkuling iginawad at inaasahan sa kanila hindi lamang ng mga Manilenyo kundi ng mga taong nagkakaroon ng kaso sa lungsod,” pahayag ng lady mayor.
Sinabi ni Lacuna na Ang dahilan kung bakit kinilala ang MPO bilang most outstanding Prosecutors’ Office at ito ay ang mabilis nilang aksyon sa para resolbahin ang mga kasong hawak nila.
Ayon pa sa alkalde ay ilang beses na siyang naging saksi kung paano ang mga kawani at liderato nito ay tumanggap ng mga pagkilala at ito ay dahil na rin sa mabilis nilang resolusyon sa mga kasong na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
“Sabi nga, kapag nabibigyan ng aksyon ay nabibigyan na din natin ng hustisya ang mga nasasakdal at nagsasakdal,” giit ni Lacuna.
Sa kabila ng lahat ng ito , sinabi ni Lacuna na ang MPO ay patuloy na naghahanap ng paraan para makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo .
Nanawagan ang alkalde sa mga residente ng lungsod o sa publiko na lumahok sa survey na ginagawa ng MPO para malaman ang areas of services na kailangan pang i-improve.
Sa kanyang bahagi ay pinasalamatan ni MPO deputy city pro
secutor Venus Marzan, si m Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson at City Administrator Bernie Ang sa kanilang patuloy na pagtulong sa MPO sa lahat ng pangangailangan nito.
Ayon kay Marzan, ang MPO ay patuloy na nagmomonitor ng lahat ng pending na kaso sa kanila upang hindi ito mabinbin.
“Ang mga kaso na nakalatag sa Manila City Prosecutor’s Office ay di nagtatagal. Ang kaso sa inquest within the day or the following day ay natatapos na ang information at pwede na magpiyansa ang nasasakdal,” sabi ni Marzan.
Ayon pa kay Marzan , ang nasabing MPO ay nagsasagawa ng survery upang matukoy ang posibleng problema pati na ang pag-i- entertain sa complaints at suggestions para higit na mapaunlad ang serbisyo ng MPO. (ANDI GARCIA)