Advertisers
TUGUEGARAO CITY, Cagayan — Naglunsad ng serye ng stratehikong pagpupulong si Komisyoner Albert Dela Cruz Sr. ng Climate Change Commission (CCC) sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, na magpapalakas sa pangangailangan ng kolektibong aksyon sa pagharap sa mga hamon ng climate change.
Ang mahalagang paglalakbay ni Commissioner Dela Cruz ay nagsimula sa pagdalaw sa kagandahang-loob ni Mayor Bryan Dale Chan ng Aparri, Cagayan, noong Marso 13, 2024, kung saan ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtugon sa mga epekto ng nagbabagong klima at global warming.
Nagpatuloy ito sa pakipag-ugnayan kay Cagayan governor Manuel Mamba at mga municipal mayor Florence Oliver Pascual ng La-lo at Darwin Estrañero ng Tabuk, Kalinga, na nagpalawig sa mga pag-uusap hinggil sa mga mahahalagang inisyatiba na magpapalakas sa programa ng mga local government unit (LGU) kontra sa climate change.
Binigyang-diin sa mga pagpupulong na ito ang mahalagang bahagi ng People’s Survival Fund (PSF) sa pagsulong ng mga proyektong magpapalakas sa mga pamayanan laban sa mga hamon ng nagbabagong klima.
Sa Arayat, Pampanga, pinuri naman ni Commissioner Dela Cruz ang aktibong aksyon ni vice mayor Lilia Pineda sa pagharap sa mga hamon ng climate change na nagpapakita ng kahalagahan ng mga pagsisikap sa koordinasyon upang maibsan ang masasamang epekto nito sa kabuhayan at pamumuhay ng mamamayan.
Nasundan pa ito ng stratehikong pagpupulong sa Roxas City, Isabela, na pinangunahan ni mayor Jonathan Jose Calderon, na kung saan tinalakay ang Local Climate Change Action Plan (LCCAP) at mga solusyong waste-to-energy (WtE).(Tracy Cabrera)