Advertisers
Patay ang mag-ina nang masagasaan ng owner-type jeep na nawalan ng preno sa Norzagaray, Bulacan noong Huwebes, Marso 28.
Kasabay nito, anim din ang sugatan sa naturang insidente.
Sa ulat, nangyari ang aksidente 10:30 ng umaga sa pababa at kurbadang bahagi ng kalsada sa Sitio Bitbit, Barangay San Mateo.
Ayon sa pulisya, bumulusok ang owner-type jeep nang mawalan ng preno.
Dito na nasagasaan ang mag-iina na naglalakad sa kalsada.
Patay ang 15-anyos na lalaki at ina nito habang sugatan naman ang anak niyang babae.
Patungo sana sa Bitbit River ang mag-iina para mag-outing.
Sa hanay ng owner-type jeep, sugatan naman ang limang pasahero nito na patungo rin sana sa ilog para mag-outing.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang drayber ng owner-type jeep.