Advertisers

Advertisers

NO IS YES!

0 2

Advertisers

ILANG public figures na ang nagsabi ng HINDI,ALI,MADI,DEHINS,DILI o NO..salitang tapos pero nagiging affirmative din na kalaunan ay OO,WA,WEN o YES!

Dahil ito sa clamor,kapipilit, pagbali , destiny o kapalaran na di mapipigilan.

Klasik sampol ay si dating Pangulong Digong.



Noong panahon na marami nang may disgusto sa administrasyon ni PNoy,ilang big names sa larangan ang nagpahayag na ng kanilang pagnanais maging pangulo ng bansa pagsapit ng 2016 presidential elections maliban sa isang presidentiable pero ayaw tumakbo at walang balak nang anupaman sa national position.

Maraming sektor ang kumukumbinse kay PDu30 na tumakbo pero ayaw ng dating meyor ng Davao City.

Aniya ay ayaw niyang maparis sa mga naging pangulo na pagkatapos ng kanilang termino ay bigo sila sa ekspektasyon ng Sambayanang Pilipino.Ang laging sagot niya ay NO!

Pero sumapit ang deadline ng filing ay isa si Digong sa mga kandidato pagkapangulo dahil daw sa klamor ng tao.

Sa madaling salita,ang HINDI ay naging OO. Nanalo siya bilang Pangulo.



Gayundin ang nagiging tema ng isang public figure na si Francis Leo Marcos o FLM ,tanyag na pigura sa social media, tinaguriang bayani ng pandemya, promotor ng ‘Mayaman Challenge’ at ang pangalan ay konek sa political bigwig na MARCOS.

Maraming beses nang nagsabing wala siyang balak tumakbo sa elective position partikular sa national.

Kamakailan lang ,nagdeklara na ng kanyang matinding pahayag sa kanyang social media platform na hindi,walang balak at never siyang tatakbo sa eleksiyon dahil di niya forte ang politika at nais niya lang makatulong sa tao sa sarili niyang paraan.

Ito ay upang tuldukan na ang isyu na isinusulong ng kanyang followers at upang soplahin na ang kanyang bashers na gusto siyang sirain political at personal.

Meron naman siyang ipinahayag kamakailan noong naging ninong siya sa mass wedding ng mga kosa sa BJMP na baka isang araw ay maupo na siya sa isang mataas na upuan sa kapangyarihan.

Pasok kasi siya survey ng isang legit na kumpanya sa aspeto ng pulso ng bayan.

Ang bottomline,kahit ano pa man ang anunsiyo o tanggi niya tungkol sa politika ,basta’t kapalaran o destiny ang nagdikta ,ang NO is YES! WANNAGUEST!?

***

Parañaque Konsi Apiong,Konsi Allen at Konsi Van Dolph

Hindi lamang pang-politika, pang-showbiz o pang-SPORTS.. pang humanitarian pa!

Iyan sina Paranaque City Konsehales Raffy ‘Apiong’ Dela Pena,Allen Tan at Van Dolph Quizon- mga pinaka-abalang public servant ng kani -kanilang distrito sa Lungsod Paranaque.

Sa anumang panahon,malayo man o malapit ang eleksyon ,walang puknat ang kanilang serbisyo at napapanahon sa kanilang nasasakupan lalo na ang makataong paglilingkod tulad nang kani-kanilang mission medical ,dental, feeding etc.

Dinadagsa ng mga residente ang bawat humanitarian event sa kanilang nasasakupan at ito ay walang puknat hangga’t sila ay may mandato ng kapangyarihan at tiwala ng bayan.

Asahan ang mga nakatakdang proyekto pa ng tatlong inihalal ng mamamayan na gumaganap sa kanilang katungkulan.

ABANGAN!