Advertisers

Advertisers

Sa pang-aatake ng China sa mga barko ng Pinas…‘RUDE SURPRISE’ ASAHAN – NSC

0 17

Advertisers

TINIYAK ng National Security Council (NSC) na hindi patitinag ang Pilipinas sa kabila ng mga agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Kaya asahan ang resbak ng Pilipinas sa pamamagitan ng bastos na surpresa o “rude surprise”.

Ito ang inihayag ni National Security Council (NSC) assistant director general Jonathan Malaya.



Sinabi ni Malaya, kung sa tingin ng mga Intsik ay maaari nilang pilitin na sumuko na lamang ang Pilipinas dahil maraming pinsala ng natamo ang mga barko at pagkasugat ng ilang mga personnel, mali ang akala ng mga Chinese.

Tumanggi naman si Malaya na idetalye ang kaniyang pahayag.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi dapat maliitin ng China ang fighting spirit ng mga Pilipino.

Ayon kay Malaya, ang Pilipinas ay nasa panig ng batas at rules-based international order, partikular ang nakasaad sa 2016 Arbitral Tribunal decision na nagpawalang bisa sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Malaya na mananatiling walang alinlangan ang Pilipinas sa kabila ng mga nangyayari.



Ginawa ni Malaya ang pahayag matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gagawa ng aksyon ang kaniyang administrasyon laban sa mga pagalit na aksyon ng mga Tsino sa West Philippine Sea.

Giit pa ni Malaya, sa mga nangyayari ngayon ang China ang napapahiya sa kanilang mga aksiyon lalo at batid na ng International community ang kanilang ginagawa laban sa Pilipinas.

Binatikos din ni Malaya ang China dahil sa paggamit ng war mongering para ipamukha na ang Pilipinas ang nag-udyok sa Chinese coast guard na gumamit ng malalakas na water cannon para patigilin ang barko ng Pilipinas na magtungo sa Ayungin Shoal para maghatid ng mga probisyon para sa mga tropa sa BRP Sierra Madre.

Dagdag pa ni Malaya na walang paki-alam ang Beijing sa kung anuman ang bibitbitin at dadalhin patungong BRP Sierra Madre.