Advertisers

Advertisers

Ayungin shoal posibleng mawala sa Pilipinas kung magpapatuloy ang pagmamatigas ng Marcos admin – Roque

0 15

Advertisers

MARIING nagbabala si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng mawala sa Pilipinas ang Ayungin shoal kung ipagpapatuloy pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginagawa nitong “hardline” tactics umano sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ng dating opisyal sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon ngayon sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa naturang pinag-aagawang bahagi ng karagatan.

Paliwanag ni Roque, ang naging verbal agreement daw kasi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China na panatilihin “status quo” ang Ayungin shoal ay isang mas maiging foreign policy pagdating sa usapin ng pagpapanatili ng kapayapaan at presensya ng Pilipinas sa naturang lugar.



Ibang-iba ito sa mga ginagawang hakbang nga-yon ng Marcos Jr. administration kasabay ng pagbibigay-diin na ang anumang uri ng patuloy na pagmamatigas laban sa China ay posibleng magresulta lamang sa kawalan ng karapatan at pag-aari ng ating bansa sa Ayungin shoal.

Sabi ni Roque, batay daw sa kaniyang prediction kung pagpapatuloy pa ni Pangulong Marcos Jr. ang kaniyang mga hakbang na kaniyang tinukoy bilang “countermeasures” ay posibleng tuluyan na aniyang maubos ang lahat ng tropa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sapagkat magpapatuloy aniya ang China sa ginagawa nitong panghaharang sa lahat ng mga deliveries ng mga barko ng Pilipinas sa naturang lugar.

Samantala, kung matatandaan ay una nang matapang na ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr. na

Magpapatupad ang Pilipinas ng mga countermeasures laban sa mga ginagawang agresibong aksyon ng China laban sa mga barko ng ating bansa na nagresulta naman ng pagtatamo ng pinsala ng ilan sa mga tropa ng militar na kasama sa ikinasang rotation and resupply mission sa Ayungin shoal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">