Advertisers
DESIDIDONG ipursige ng Department of Justice (DOJ) ang deportation mula sa Timor-Leste ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay DOJ spokesperson at Assistant Secretary Mic Clavano, na kanilang gagawin ang lahat para maibalik na sa bansa ang dating mambabatas.
Si Teves kasi ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023.
Nitong Marso 21 nang maaresto ng mga Interpol members si Teves habang naglalaro ng golf sa Timor-Leste.