Advertisers
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging patas at malinis ang eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.
Ito, ayon kay PBBM, ay batay na rin sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 41 at 48.
Sa kanyang video message para sa ika-10 taong anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na nilagdaan sa pagitan ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF), sinabi ng Pangulo na matatag ang kanyang commitment sa BARMM, lalo na’t aktibo siya noon sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law (BBL) bilang bahagi ng lehislatura.
Binigyang diin ng Presidente na bagama’t may progreso na ang Bangsamoro sa ilalim ng kanyang administra-syon, marami pa rin aniyang dapat maisa-katuparan.
Iginiit pa ni Pangulong Marcos na sa darating na eleksiyon sa 2025 ay mahalagang pumili ang mga residente ng BARMM ng kanilang mga pinuno sa lokal at pambansang antas, sapagka’t sila aniya ang may kapangyarihan na magtakda ng direksyon para sa kinabukasan ng rehiyon. (Gilbert Perdez)