Advertisers
INANUNSYO ng Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City at Imus, Cavite.
Sa hiwalay na anunsyo, sinabi ng Maynilad na nawalan ng tubig sa ilang barangay sa Imus mula 5:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi nitong Lunes (Abril 1) sa mga sumusunod na lugar: Anabu I-D, Anabu I-F, Anabu II-A hanggang Anabu II-D.
Habang mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi ay mawawalan ng tubig ang mga sumusunod na lugar: Brgy. Alapan I-C, Brgy. Anabu I-A to I-F, Brgy. Bayan Luma I to IX, Brgy. Bucandala I to V, Brgy. Carsadang Bago I to II, Brgy. Malagasang I-A to I-D, Brgy. Malagasang I-G, Brgy. Medicion I-B, Brgy. Poblacion III-B, Brgy. Poblacion IV-B, rgy. Poblacion IV-D, at Brgy. Tanzang Luma VI.
Samantala, dahil sa scheduled maintenance activity, magkakaroon ng limang oras na service interruptions simula sa Miyerkules, Abril 3 sa mga piling customer sa Caloocan City dahil sa gagawing aktibidad sa P. Dela Cruz sa Barangay 166 mula 11:00 ng gabi ng Abril 3 hanggang 4:00 ng umaga ng Abril 4.
“This activity is being done as part of the company’s continuous effort to improve water services in the West Zone,” saad sa abiso.