Advertisers
NAHUKAY ang katawan ng isang dalagita na unang napaulat na nawawala sa Borongan City, Eastern Samar.
Nahukay ang bangkay ni Hazel Bao, 14 anyos, sa bulubunduking bahagi ng Barangay Balacdas ng nasabing siyudad.
Sa ulat ng PNP Eastern Visayas, si Bao, estudyante at residente ng nasabing lugar, ay napaulat na nawawala Marso 15.
Noong Martes, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang lola ng dalagita at iniulat na may nakitang bangkay sa bundok.
Agad pinuntahan ng mga police at mga kasapi ng Eastern Samar Forensic Unit ang lugar at doon nakumpirma ng lola na ito ang kanyang nawawalang apo dahil sa suot at sa cellphone na nakuha mula sa bulsa ng bangkay.
Ayon sa pulisya, hinihinalang ginahasa at pagkatapos ay pinaslang ang biktima.
Sinasabing salarin sa krimen ang stepfather ng biktima nang biglaan lamang itong umalis sa lugar nang malaman na natagpuan ang bangkay.
Isinailalim sa post mortem examination ang narekober na bangkay habang patuloy na iniimbestihan ang krimen.