Advertisers

Advertisers

Lalaki nag-amok: Ina, tiyahin at aso patay; 4 sugatan

0 9

Advertisers

ISANG lalaki ang nag-amok at napatay ang kaniyang ina, tiyahin at iba pang kaanak sa Bohol noong Huwebes.



Ayon kay Bohol Police spokesperson Lt. Colonel Norman Nuez, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga kaanak ng 37-anyos na salarin nang mag-amok ito at managa gamit ang bolo.

Nang rumesponde ang pulisya, hindi agad sumuko ang salarin kaya nabaril ito sa balikat at tiyan.

Matapos maaresto, tumambad sa pulisya ang bangkay ng 70-anyos na ina ng salarin, habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang kaniyang 79-anyos na tiyahinn

Apat na iba pang kaanak ng salarin ang malubhang nasugatan at nagpapagaling sa ospital.

Patay din ang isang aso sa insidente.

Iimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Nahaharap sa kasong parricide at frustrated parricide ang salarin.