Advertisers
NATAGPUANG patay noong Biyernes sa Magsaysay, Davao del Sur ang dalawang kabataang na mga taga Central Malamote, Matalam, Cotabato na unang naiulat na nawawala nitong Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina Matt Dumalaba, 18 anyos; at Norhan Alison, 16.
May mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan at nakagapos ang mga kamay ng biktima nang makita ang kanilang bangkay sa isang lote sa Barangay New Opon sa Magsaysay, 60 kilometro ang layo mula sa Matalam.
Nagtutulungan na ang mga kasapi ng police stations sa Matalam at sa Magsaysay sa pasisiyasat sa pagpaslang sa dalawa.
Naiuwi na noong Biyernes ng hapon ang bangkay nila Dumalaba at Alison sa kanilang mga pamilya sa Purok Menito sa Malamote.