Advertisers

Advertisers

364 PDLs inilipat na sa bagong QC Jail sa Payatas

0 20

Advertisers

MAY 364 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mga matatanda at may karamdaman ang inilipat sa bagong Quezon City Jail sa Payatas dahil narin sa sobrang init ng panahon sa Lungsod Quezon.

Ang paglilipat sa mga PDL ng pamumuan ng QC Jail Male Dormitory sa ilalim ni Warden Supt. Warren Geronimo ay batay sa kautusan ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief, Director Ruel Rivera.

Ang hakbang na ito ay upang maginhawaan din ang mga preso ngayon panahon ng tag-init at maiwasan ang hawaan ng sakit sa balat tulad ng pigsa at iba pa.



Ang bagong pasilidad ay may lawak na 2.4 ektarya at may kakayahan para ma-accomodate ang higit tatlong libong PDLs.

Nauna nang itinurn-over ng Quezon City Government sa Bureau of Jail Management and Penology ang bagong pasilidad. (Almar Danguilan)