Advertisers

Advertisers

Mommy kinidnap ang anak, pinatubos ng P3m sa ama

0 8

Advertisers

DINUKOT ng isang ina ang kanyang 13-anyos na anak at humihingi ng P3-milyong ransom sa ama kapalit ng kalayaan ng bata sa Plaridel, Bulacan.

Sa loob lamang ng 24-oras, nasagip ang Grade 7 student na biktima na dinukot sa Hagonoy, Bulacan, at naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina Maryrose Medina, 42 anyos, alyas “Elmarie”, ina ng binatilyong biktima, ng Brgy. Sagada, Hagonoy; Eleonor Bolosco ng Brgy. Menzyland; at Adrian Cortez, security guard ng Brgy. Mojon, Malolos City.

Sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng amang negosyante na hindi na pinangalanan, umalis ang kanyang anak at nagpunta sa kanyang kaklase 3:00 ng hapon ng Abril 4.



Ayon sa ama, hindi na bumalik ang anak at isang hindi nagpakilalang indibiduwal ang tumawag sa kanyang telepono at nanghihingi ng P3-milyon bilang ransom para pakawalan ang kanyang anak.

Matapos makatanggap ng tawag ang ama ng biktima mula sa kidnapper, agad itong dumulog sa Hagonoy Police Station.

Nabatid na naibaba sa P550,000 ang ransom nang magkatawaran.

Kasunod nito, 10:40 ng gabi ng Abril 5 nang magsagawa ng operasyon ang Provincial Intelligence Unit ng Bulacan sa pangunguna ni PLt. Col. Jesus Manalo, Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit, at Hagonoy Police Station sa pamumuno ni Lt. Col. Aldrin Thompson para sa rescue operations.

Nang maibigay ang P550,000.00 ransom, agad sinundo ng kanilang family driver ang biktima sa isang fast food chain sa Plaridel kasabay ng pagkakaaresto sa mga suspek.



Narekober ng mga awtoridad sa operasyon ang P550,000 ransom money, at black Chevrolet SLX na gamit ng mga kidnapper

Sinasabing puwersahang ginamit ang biktima ng kanyang ina katuwang ang dalawang kasabwat, at palabasing dinukot para ipatubos at makapaghigante umano ito sa kanyang negosyanteng mister.(Mark Obleada)