Advertisers
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ng paglabas ng Executive Order No. 58.
Ipinunto ng Pangulong Marcos sa dalawang pahina na EO 58, na ang pagpapalakas sa security and resilience ng Philippine cyberspace ay isa sa key strategies upang masiguro na ligtas ang cyber and physical spaces sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 bilang isang whole-of-nation roadmap.
Ang nasabing EO ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 4, 2024.
Sa ilalim ng EO 58, inaatasan ang lahat ng concerned national government agencies at instrumentalities at local government units (LGUs) na suportahan ang pagpapatupad ng NCSP 2023-2028.
Ang DICT ay inatasan din na magpatupad ng sistema para sa epektibong implementasyon at magsumite ng bi-annual report sa Pangulo hinggil sa estado at progreso ng nasabing programa sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at ng National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC).
Agad na maging epektibo ang EO 58 matapos mailathala sa Official Gazette, o sa newspaper na may general circulation.