Advertisers

Advertisers

Ex-SK chairman patay sa ambush sa araw ng b-day

0 21

Advertisers

NASAWI sa pamamaril sa mismong araw ng kanyang kaarawan ang isang dating Sangguniang Kabataan chairman mula sa Cagayan, Ilocos Sur nitong Lunes, Abril 8.

Kinilala ang biktima na si Marion Tugade, 27 anyos, anak ni dating Mayor Mario Tugade ng Caoayan at residente ng Barangay Don Alejandro Quirolgico, Caoayan.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang isang Sports Utility Vehicle kasama ang kanyang kasintahan bilang pasahero nang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ito sa mukha.



Nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya.