Advertisers
Nasagip ang dalawang mangingisda nang lumubog ang banka ng mga ito sa tubig na sakop ng Lubang, Occidental Mindoro noong Sabado ng umaga, Abril 13.
Kinilala ang mga nasagip na sina Joel Damalerio, 80, at Rolan Ranque, 51, kapwa-residente ng Mamburao.
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog na 8:00 ng umaga, inabisuhan sila ng PCG station sa Lubang na lumubog ang fishing boat na “Rex and Roy” askay ang dalawang mangingisda.
Ito ay nasa 12 nautical miles timog ng Cabra Island.
Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng PCG kasama ang mga lokal na awtoridad at sinagip ang dalawang mangingisda.
Nasa maayos na kondisyon ang mga mangingisda na agad na dinala sa pagamutan para suriin.(Jocelyn Domenden)