Advertisers
Upang matugunan ang tumataas na kaso ng mga kanser sa bansa, ang Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory na isang subsidiary ng Detoxicare Phils Inc., ay lumagda ng partnership kasama ang AstraZeneca — ang global, science-led biopharmaceutical company .
Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulongan, nag-aalok ng mura at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan para sa mga pasyente sa pamamagitan ng next-generation sequencing.
Magmamarka ang pakikipagtulungang ito ng isang makabuluhang hakbang tungo sa paglaban kontra sa nakakapanghinang sakit.
Magiging instrumento ang pagsasama ng mga advanced technologies sa klinikal na kasanayan sa pagpapabuti ng kaligtasan ng pasyente at kalidad ng buhay lalo na sa Pilipinas kung saan ang breast ay ovarian cancer ay dalawa sa pinakalaganap na uri ng sakit na nagpapahirap sa mga Pilipino na may kanser sa suso na nangunguna sa incidence rate sa 17.6%.
Kapag isinama ang next-generation sequencing (NGS) nakakuha ang mga medical expert ng mga komprehensibong insight sa genetic mutations at mga pagbabago na nagtutulak sa pag-unlad ng kanser, na nagbibigay-daan para sa mga iniangkop na paggamot na may unprecedented precision.
Nakatuon ang pagtutulongan sa epekto ng breast cancer, ang proseso ay maari ding ilapat sa iba pang mga uro ng kanser.
Kasama sa iba pang mga handog ang mga pagsusuri para respiratory diseases tulad ng COVID-19 at pneumonia; infectious disease gaya ng meningitis, tuberculosis at sexually transmitted diseases; clinical pathology,na sumasaklaw sa pagsusuri sa diabetes ,lipid profiling at hepatits bukod sa iba pa.(Jocelyn Domenden)