Advertisers

Advertisers

3 terorista todas sa bakbakan sa Lanao Norte

0 5

Advertisers

TODAS ang tatlong miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah-Maute Group nang makasagupa ang militar noong Sabado sa Lanao del Norte.



Nakilala ang mga nasawing terorista na sina Nezrin Sandab alyas “Firdaus”, Saipal Abubacar alyas “Fariz”, at Pabo Zainoden Radia alyas “Musab”.

Dinala ang sugatang sundalo sa ospital upang malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Brigadier General Yegor Rey P. Barroquillo Jr., commander 103rd Infantry Brigade, nakasagupa ng mga sundalo sa ilalim ng 1st Infantry Tabak Division ang pitong DI-MG sa pangunguna nina Nasser Daud at Abu Jihad sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng isang sundalo.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga baril, bala, mga gamit sa kanilang komunikasyon, at personal na kagamitan.

Mabilis namang nakatakas ang apat na kasamahan ng mga namatay.

Pinuri nina Barroquillo Jr., at Major Gen. Gabriel C. Viray III, commander ng 1st Infantry Division ang tropa sa kanilang kagitingan at matagumpay na operasyon laban sa teroristang grupo. (Mark Obleada)