Advertisers

Advertisers

Ex-judge patay, 7 sugatan sa banggaan ng 2 kotse

0 16

Advertisers

NASAWI ang isang retiradong huwes at pito ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Cagayan de Oro City, Linggo ng umaga, April 14, 2024.

Ayon sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng Cagayan de Oro City Police at ng Police Regional Office-10, dead on arrival sa isang pagamutan si retired Judge Gael Padilla Paderangga, 72 anyos, ng Upper Carmen sa naturang lungsod.

Sa ulat, minamaneho ni Paderangga ang kanyang Kia Sorrento na kulay itim na nakabangga ng isang Totoya Revo na nagsanhi sa pagkakasugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng driver nitong si Joshua Dequiña at anim pang kapamilya na kasama niya sa kanyang sasakyan.



Mabilis namang naisugod sa hospital sina Dequina at mga kasama ng mga kasapi ng Cagayan de Oro City police at mga kawani ng emergency response office ng local government unit ng lungsod.