Advertisers
PASA at bukol sa katawan ang tinamo ng isang ginang nang bugbugin ng kanyang kinakasama matapos tumangging makipagtalik, Sabado ng gabi sa Cebu city.
Nakakulong ngayon sa Mambaling Police Station ang mister na itinago sa pangalang “Buboy”, 33 anyos, “habal-habal” driver, ng Sitio Wangyu, Barangay Mambaling.
Ayon sa misis na itinago sa pangalang “Booba”, dumating sa kanilang bahay ang mister na lasing at pinipilit siyang makipag-sex, subali’t tinanggihan niya ito.
Aniya, bigla na lamang siyang pinagsusuntok sa katawan at sinipa sa paa. Hindi pa nakuntento ang mister ay kinuha nito ang plastik nilang upuan at binato sa misis.
Agad humingi ng tulong sa barangay tanod ang biktima, nagresulta sa pagkakadakip sa mister.
Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9262, Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ang mister.
Sinabi ng misis, hindi ito makipagbalikan pa sa ka-live-in.