Advertisers

Advertisers

2 nalitson sa sunog sa Caloocan, Valenzuela

0 13

Advertisers

TODAS ang dalawa katao, kabilang ang isang persons with disability (PWD), sa magkahiwalay na sunog sa Caloocan at Valenzuela.

Na-trap sa loob ng nasunog na tindahan ng liquefied petroleum gas (LPG) ang 25-anyos na delivery boy na si alyas “Mories” na umano’y galing sa inuman na naging dahilan ng kanyang pagkamatay, habang sugatan ang isa pa na si Alejandril Lalata na residente ng isa sa tatlong bahay na nadamay sa sunog.

Nakuhanan pa ng video ng residente sa lugar ang paglagablab ng apoy na sinundan ng ilang pagsabog na hinihinalang mula sa LPG bago tuluyang naapula :00 ng umaga ng Biyernes at tumupok sa tinatayang P150,000 halaga ng ari-arian.



Dakong 9:45 naman ng Biyernes ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Sitio Cabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon sa Valenzuela City na ikinasawi ng 54-anyos na person with disability (PWD) na na-trap din sa nasunog nilang tirahan.

Nakuhanan ng video ang malalakas na pagsabog at pagputok ng mga kable na dahilan ng paglaki ng apoy bago tuluyang maapula ng 10:21 ng gabi.

Ayon sa ilang residente, tinangka pang iligtas ng mga barangay tanod ang biktima subalit mabilis ang paglaki ng apoy sa loob ng bahay kaya’t hindi na nila nagawang makapasok.
Inaalam pa ang dahilan ng pagsiklab ng apoy. (Beth Samsom)