Advertisers

Advertisers

Bgy. tanod todas sa pamamaril

0 6

Advertisers

NASAWI sa pamamaril ang isang barangay tanod sa Barangay Laga-an, Calatrava, Negros Occidental nitong Sabado.



Kinilala ang biktima na si Alexander Alquizar, 54 anyos, ng Barangay Laga-an.

Sinabi ni Police Major Ronald Santillan, Calatrava Police chief, nasa bukid ang biktima 5:30 ng umaga nang dumating ang grupo ng kalalakihan at pagbabarilin ito.

Nasaksihan ng asawa ng biktima ang insidente mula sa malayo.

Binawian ng buhay si Alquiza sa ilang tama ng bala.

Ani Santillan, posibleng hinintay ng mga salarin ang biktima sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Hindi inaalis ang posibilidad na maaring insurgency-related ang krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad.