Advertisers

Advertisers

“Dangerous heat index” posible maitala sa 16 lugar sa bansa ngayon

0 4

Advertisers

POSIBLENG maitala sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o damang init ngayong araw ng Lunes, ayon sa PAGASA-DOST.

Batay sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz habang 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar, habang 42°C sa Metro Manila; Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.



Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.