Advertisers

Advertisers

Engineer patay sa ambush

0 13

Advertisers

NASAWI ang isang enhinyero nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Tugbok, Davao City noong Biyernes, April 19, 2024.

Kinilala ng Davao City Police ang biktima na si Rey Pulangas Lumacat.

Sa report ng Davao City Police, nakaupo sa driver’s seat ng kanyang sport utility vehicle (SUV) ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Deca Homes Subdivision nang paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga salarin.



Ayon sa imbestigasyon, kakababa pa lamang ng kanyang asawa at anak na babae sa sasakyan nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at saka pinagbabaril ang tapat ng driver’s seat ng umaandar pang sasakyan.

Dahil sa mga tama ng biktima, bumangga ang SUV sa kanilang bakuran.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at patuloy pa ang manhunt operation para mahuli ang mga tumakas na salarin.