Advertisers
NASAWI ang may-ari ng peryahan nang pagbabarilin sa Barangay Apopong sa General Santos City, Biyernes ng gabi, April 19, 2024
Kinilala ang biktima na si Gerry Dequillo, may-ari ng munting palaruan sa isang peryahan.
Sa ulat, sakay si Dequillo ng isang tricycle nANg barilin ng mga lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo, nakabuntot sa kanila, sa isang bahagi ng highway sa Purok 3, Lanton area sa Barangay Apopong.
Agad namatay sa mga tama ng bala si Dequillo sa naturang pananambang na nagsanhi din ng pagkakasugat ng tricycle driver na si Melvin Inato, ngayon nasa isang pagamutan na.