Advertisers
MAY teorya ang mga imbestigador na posibleng ginahasa bago pinatay at inilibing ang 11-anyos na si Janeth Falconite Upod, na nawala April 16, 2024, at makalipas ang tatlong araw ay nadiskubreng nakalibing sa isang mababaw na hukay sa bakanteng lote sa Barangay Pangandao, Manukan, Zamboanga del Norte.
Ang biktima ay Grade 4 pupil ng Pangandao Elementary School sa naturang barangay.
Naiulat ang biktima ng mga kamag-anak sa kanilang barangay officials at sa Manukan Municipal Police Station na nawawala nitong Martes.
Ilang residente ang nakadiskubre ng mababaw na hukay sa isang liblib na lugar sa Barangay Pangandao kungsaan siya inilibing ng diumano tumangay at gumahasa sa bata.