Advertisers

Advertisers

P5m alahas ng namatay na amo tinangay ng caregiver

0 8

Advertisers

DINAKIP ang isang caregiver nang nakawin nito ang mga alahas ng namatay na amo na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Santa Cruz, Manila ang 45-anyos na caregiver.

Kabilang sa mga nawala sa pumanaw na amo ang mga gintong bracelet, mamahaling relos, mga singsing na may precious gems, at kuwintas na may diyamante na nakalagay sa vault.



Napag-alaman ng NBI na may dati nang arrest warrant ang caregiver para sa kasong theft and qualified theft.

“May grupo daw sila diumano ng mga yaya at caregiver na pumapasok sa employers pero ang motibo ay pagnakawan ang mga ito sa bandang huli,” ayon kay NBI-NCR Assistant Regional Director Attorney Joel Tovera.(Jocelyn Domenden)